Maaaring umabot sa 5.3 milyong indibidwal ang mawawalan ng tahanan sa Syria matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang kanilang bansa, ayon sa isang opisyal ng United Nations (UN) nitong Biyernes, Pebrero 10.

Sa pahayag ni UN High Commissioner for Refugees, Sivanka Dhanapala sa isang press briefing, tinatayang 5.37 milyong katao sa nasabing bansa umano ang mangangailan ng shelter assistance dahil nasalanta ang kanilang tahanan ng nasabing lindol na yumanig noong Pebrero 6.

“That is a huge number and comes to a population already suffering mass displacement,” ani Dhanapala.

“For Syria, this is a crisis within a crisis. We’ve had economic shocks, Covid and are now in the depths of winter,” dagdag niya.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Ayon sa tala ng health ministry at rescue group na inulat ng Agence France Presse, umakyat na sa mahigit 3,300 ang mga nasawi sa Syria nitong Sabado.

Marami naman umano sa mga nakaligtas ang nawalan ng tahanan o kaya naman ay takot nang bumalik sa mga bahay at gusaling nasira ng lindol.