Isang kapitan at 22 na tripulante ang nailigtas matapos tumaob ang sinasakyang cargo vessel sa karagatang sakop ng Surigao del Norte nitong Biyernes.

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG), nagresponde sila nang matanggap ang impormasyong kaugnay sa insidente sa karagatang pagitan ng Hinatuan Island at Bucas Grande Island.

Sa pahayag naman ng kapitan ng tumaob na LCT Pacifica 1 na si Robert Espino, nanggaling sila sa Cabadbaran Port sa Agusan del Norte at patungo na sana sila sa Dapa Port sa Surigao del Norte nang maganap ang insidente.

Sinalubong umano sila ng malalaking alon na pumasok sa engine room kaya sila nasiraan ng makina hanggang sa tumaob ang mga ito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nagkataon namang napadaan sa lugar ang MV Veronica at sinagip si Espino at 22 na tripulante.

Binabantayan naman ng PCG ang sitwasyon dahil sa posibilidad na magkaroon ng oil spill.