Kasunod ng mapangahas na tagpo sa “Maria Clara at Ibarra” nitong gabi ng Huwebes, Pebrero 9, trending at abot-abot na papuri lang ang inani nina Kapuso stars Juancho Triviño at Julie Anne San Jose mula sa mga tagasubaybay.

Ito nga ang naging epekto ng dalawang aktor sa manunuod matapos ngang masagip na sa wakas si Maria Clara sa kamay ng mapang-abusong si Padre Salvi sa ika-94 episode ng hit portal-fantasy series.

Basahin: ‘Pang-best actress!’ Julie Anne, trending, hinangaan dahil sa intense na tagpo sa ‘Maria Clara at Ibarra’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Landing sa Twitter ang mga topic na #MCISalvoNiSalvi, Klay, Padre Salvi, at ang nag-iisang si Julie Anne San Jose hanggang nitong Huwebes hanggang nitong umaga ng Biyernes, Pebrero 10.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Pag-amin ng aktor, ang maselang "rape scene" ang aniya'y "hardest scene" na kaniyang ginawa sa kaniyang buong acting career.

https://twitter.com/juanchotrivino/status/1623609210746605572

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa pinag-usapang tagpo sa serye:

https://twitter.com/DominiqueJay29/status/1623660934500851713

https://twitter.com/juanchotrivino/status/1623678635571036160

https://twitter.com/EmpressKxxx/status/1623662101666631681

Sa isang Twitter post, isang pasasalamat naman ang ipinahayag ni Juancho sa kaniyang co-star para sa tiwalang ibinigay sa kaniya sa ngalan ng dekalidad na materyal.

https://twitter.com/juanchotrivino/status/1623672798643392512

“Take a bow, friend.  @myjaps Napaka hirap ng eksenang yun, salamat sa tiwala at de calidad na pagbato ng bawat linya at emosyon.. Muchas Gracias Maria 🫶,” aniya.

Samantala, nalalapit nang magtapos ang historical drama sa susunod na linggo.