Umabot na sa ₱1.5 bilyong halaga ng puslit na agricultural products ang nakumpiska ng gobyerno mula Oktubre 2022 hanggang Enero 2023, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes.

Ito ang isinapubliko ni DA Assistant Secretary James Layug sa isinagawang public briefing nitong Pebrero 10.

Ang nabanggit na halaga aniya ng produkto ay nasamsam mula Oktubre hanggang Enero 27.

Nakapagsampa na rin aniya sila ng 25 kasong paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at dalawang kasong paglabag sa Food Safety Act 2013 laban sa mga suspek.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng pre-shipment inspection kung saan susuriin ang produkto sa pinagmulang lugar.