Nangako ang isang negosyante sa Cagayan de Oro City na ibibigay niya sa mga biktima ng pagbaha sa Mindanao ang bahagi ng napanalunang jackpot sa lotto kamakailan.

“Ipang-puhunan ko ito sa akingbusinessat sa wakas meron na ringbudgetpara sa pagpapakasal namin ng akingfiancé.Pagkakataon ko na po i-share'yung biyaya na natanggap ko. Gusto ko po tulungan 'yung mga binaha po sa amin, lalo na po 'yung mga taga-Misamis Occidental," pahayag ng nasabing lotto winner.

Tinamaan ng naturang negosyante ang Grand Lotto 6/55 jackpot na₱142.5milyongnitong Enero 7.

Nauna nang inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kinubra na ng nasabing mananaya ang kalahati ng napanalunan nito kamakailan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Ginuhit-guhitan ko lang 'yung mga kursunada kong numbers at sa awa ng Diyos, ibinigay n'ya sa akin angblessingsna ito sa loob ng halos15 yearskong pagtaya salotto," sabi pa nito.

Philippine News Agency