Malungkot at dismayado si human rights lawyer Atty. Chel Diokno hinggil sa patuloy na pagkakaantalang pagsasabatas ngSexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) bill dahil umano sa pagtutol ng ilang mga religious groups at iba't ibang sektor.

Sa tweet ni Diokno nitong Huwebes, Pebrero 9, nagpahayag siya ng pagkadismaya dahil habang naaantala umano ang pagsasabatas ng SOGIE Bill ay maraming miyembro umano ng LGBTQIA+community ang patuloy na makararanas ng diskriminasyon at pang-aabuso.

"Dapat tiyakin ng mga mambabatas na lahat ng Pilipino ay protektado ang mga karapatan," saad pa ni Diokno.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1623595107315220483

Binigyang-diin din niya na hindi raw matatapakan ng naturang bill ang kalayaan ng mga relihiyon.

"This bill does not step on the freedom of religion, at napagbigyan na ni Sen. Risa Hontiveros ang mga hiling ng ilang religious groups. Kaya I hope that the anti-SOGIE Bill lawmakers will open their hearts and minds," anang human rights lawyer.

"Let's allow the passage of a bill that will support equal treatment and protection for those who are discriminated and abused," dagdag pa niya.

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1623595111073427456

Matatandaang natigil ang sponsorship ng SOGIE Bill sa Senado dahil sa pagtutol ng ilang mga religious group at iba't ibang sektor.