Nasa₱183.6 milyong halaga ng shabu ang nadiskubre sa isang inabandonang kotse saParañaque City nitong Miyerkules, ayon saSouthern Police District (SPD).

Sinabi ni SPDdirector Brig. Gen. Kirby John Kraft, napansin ng barangay tanod na Mark Joseph Espinosa, ang isang inabandonang kotse sa panulukan ng Quirino Avenue at M. Delos Santos Street, nitong Miyerkules dakong 5:30 ng hapon.

Kaagad na humingi ng police assistance si Espinosa upang inspeksyunin ang nasabing kotseng may plakang CDI 9724.

Natuklasan sa loob ng kotse ang isang backpack, isang kahon at 27 tea bags na naglalaman ng illegal drugs.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nahagip ng closed-circuit television (CCTV) camera ang isang lalaking bumaba ng kotse kaya pinaghahanap na siya ng pulisya, ayon pa kay Kraft.

Philippine News Agency