TARLAC CITY -- Arestado ang isang miyembro ng Traffic Management Group ng Tarlac City Government sa isang entrapment operation noong Linggo, Pebrero 5.

Kinilala ang suspek na si Carlos Gatdula, 46, at residente ng Shangrila Subd. Brgy. San Jose, Tarlac City. 

Ayon sa nagrereklamong driver, kinuha aniya ni Gatdula ang kaniyang lisensya dahil sa paglabag sa hindi rehistradong sasakyan ngunit hindi ito nagbigay ng Traffic Citation Ticket. 

Lahad din ng driver na nagtungo pa siya sa bahay ng enforcer para kunin ang TCT at humingi umano ito ng P2,000. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol