May 07, 2026

Home BALITA National

Rapper na si Hev Abi, natiklo ng CIDG!

Rapper na si Hev Abi, natiklo ng CIDG!
Photo courtesy: Hev Abi (FB)

Kinumpirma ng mga awtoridad ang pagkakaaresto sa OPM artist at rapper na si Hev Abi dahil sa umano’y pagdadala nito ang firearms. 

Ayon sa  mga ulat nitong Huwebes, Abril 16, 2026, sinabi nilang si Chief, Public Information Officer ng Criminal Investigation and Detection Group (PIO-CIDG) Police Major (PMAJ) Helen Dela Cruz na kasalukuyang nasa kustodiya nila si Hev Abi. 

Base sa naging panayam ng naturang media kay Dela Cruz sa telepono, sinabi ng huli na naaresto nila si Hev Abi at anim na iba pa, noong Martes, Abril 14, 2026, kasunod ng pagsisilbi nila ng warrant for firearms.

Bukod dito, sinabi ni Police Col. John Guiagu, hepe ng CIDG-NCR, na nakakita ang awtoridad ng umano'y cocaine at liquid marijuana sa bahay kung saan naaresto sina Hev Abi.

Samantala, habang sinusulat ito, kasalukuyan umanong sumasailalim sa kaukulang proseso sina Hev Avi at nakatakdang masampahan ng kaso dahil sa pagdadala ng huli ng mga hindi lisensyadong baril. 

National

Congressmen na papabor sa impeachment, mababawasan boto sa eleksyon—Rep. Lorenz Defensor

Wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Hev Abi o ang kampo nito kaugnay sa naganap na insidente. 

SINO SI HEV ABI? 

Si Hev Avi, o Gabriel Abilla sa tunay nitong pangalan, ay isang promenteng OPM artist at rapper na mula sa Quezon CIty. 

Ilan sa mga viral at pumatok niyang kanta simula noong 2023 sa buong bansa ay ang “WELCOME2DTQ,” “Alam Mo Ba Girl,” “Babaero,” at iba pa.