May 17, 2026

Home BALITA Metro

‘Green and go!’ 25 estasyon ng LRT-1, ‘full operation’ na

‘Green and go!’ 25 estasyon ng LRT-1, ‘full operation’ na
Photo courtesy: MB

Iniulat ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magpapatuloy na ang “full operation” ng LRT-1 ngayong Huwebes ng hapon, Abril 16.

Kasunod ito ng napaulat na “limited operation” bunsod ng isang technical fault sa Vito Cruz Station.

MAKI-BALITA: LRT-1, nagkaaberya; 'limited operations' sa kasalukuyan

Ayon sa LRMC, naka-green and go na ang 25 estasyon ng LRT-1, kung saan magpapatuloy na ang operasyon mula Dr. Santos Station hanggang Fernando Poe Jr. Station (vice versa).

Nagpapasalamat sila sa pang-unawa at pasensya ng mga naapektuhang pasahero.

Metro

Buwaya, nasagip sa Valenzuela!

“Pasensya na po at ingat po kayo sa biyahe,” anang LRMC sa kanilang pahayag.

Nang mapaulat ang limitadong operasyon ng LRT-1 dahil sa aberya, ibinahagi ng LRMC na sila ay nagkasa ng isang libreng sakay mula Central Station hanggang Baclaran Station (vice versa) katuwang ang Department of Transportation (DOTr).