Naglabas ng abiso ang Light Rail Transit (LRT)-1 kaugnay sa kasalukuyan nilang operasyon nitong Huwebes, Abril 16.
Ayon sa passenger advisory na inihayag ng LRT-1 sa kanilang Facebook page nito ring Huwebes, Abril 16, sila ay nag-iimplementa sa kasalukuyan ng “limited operations.”
Dahil dito, tatakbo lamang ang kanilang mga tren mula Dr. Santos Station hanggang Baclaran Station (vice versa); at sa Fernando Poe, Jr. Station hanggang Central Terminal Station (vice versa).
Base pa sa kumpirmasyon ng LRT-1, inaasikaso na ng kanilang engineering team ang pagsasaayos ng nasabing aberya.
Nanghingi rin sila ng paumanhin sa idinulot ng naturang aberya sa kanilang mga pasahero.
“We sincerely apologize for the inconvenience and appreciate your understanding as we work to fully restore operations,” saad ng LRT-1 sa kanilang pahayag.
Nangako naman silang magbibigay ng update kaugnay sa nasabing insidente.