Kasabay ng pag-namin ay inako rin ni Ronnie Alonte ang kasalanang pagtataksil noon sa partner na si Loisa Andalio.

Bagaman anim na taon na sa kanilang relasyon ang kilalang showbiz couple, hindi naging madali para sa dalawa ang mga dumaang pagsubok.

Ito ang highlight sa nabuksang usapan ng LoiNie nitong Martes, Pebrero 7, sa kanilang guesting sa Magandang Buhay.

Dito, inamin ng dalawa ang kapwa naging kasalanan ng isa’t isa sa relasyon, partikular din ang pag-amin ni Ronnie sa mga na-link noong ibang celebrities habang sila pa ni Loisa.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

“Alam niya. Nahuli niya ako. So naramdaman ko 'yung feeling kung gaano kasakit yung ganung pakiramdam,” pagbabahagi ni Ronnie.

Naungkat din ang hindi pinangalanang celebrities na na-link sa aktor noon habang hindi pa alam ng publiko ang relasyon nila Loisa.

“Sa totoo lang, aaminin ko, mali ako. Kasi 'yung mga nakatrabaho ko dati at 'yung mga nakasama ko dati, hindi ko nilinaw sa kanila at hindi ko sinabi sa kanila na kami ni Loisa. Tinago ko rin sa mga naging ka-partner ko,” ani Ronnie sa previous love teams noon.

“Yun lang po ang nililinaw ko na ngayon ko lang sinabi, na ako 'yung may mali doon. Sa mga fans, huwag niyo sisihin, iba-bash 'yung mga babae na na-link sa akin dati kasi hindi nila alam. Kasalanan ko 'yun,” pag-ako na ng aktor.

Sa parehong programa, nahingan din ng reaksyon si Ronnie sa naging pagkakamali rin ni Loisa sa kaniya nang masangkot sa isyu ng “cheating.”

“Sobrang sakit pala ‘yung feeling na ganun [pagtaksilan],” anang aktor dahilan para “mawala” aniya siya ng isang isa hanggang dalawang linggo.

“Pero na-realize ko lang sa dulo na baka karma lang din ‘to. Tinake ko 'yun as karma kasi ang dami kong kasalanan sa kanya before pa mangyari 'yun,” pagtukoy nga niya sa nauna niya ring pagtataksil sa partner.

“Ang dami niyang nahuli sa akin. Ilang babae ang nahuli mo? Alam niya. Nahuli niya ako. So naramdaman ko 'yung feeling kung gaano kasakit yung ganung pakiramdam,” anang aktor.

Basahin: LoiNie, layag na layag sa kanilang ikaanim na anibersaryo; Maris Racal, napa-react! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa huli, sinabi ng aktor sa telebisyon na “hundred percent sure” na siya kay Loisa.

“Hindi man kami pa ikasal, alam kong dadating at dadating din doon. Kasi sigurado na ako eh. Sigurado na ako sa kanya,” dagdag niya.

Noong Nobyembre nang ipagdiwang ng celebrity couple ang ikaanim na anibersaryo sa isang beach getaway.

&list=PL9LNRhcywLR7HZd-7NHmBi39eYq9BT8-r&index=2