LEMERY, BATANGAS -- Patay sa pamamaril ang isang negosyante habang sugatan naman ang kaniyang driver matapos umano silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo noong Lunes ng gabi, Pebrero 6, sa bayang ito.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang nasawi na si Frederick Casalme, 46 at sugatang driver na si Kingjay Casalme, 32.

Bandang 9:10 ng gabi, dumating ang mga biktima sa kanilang bahay sakay ng Mitsubishi Pajero at nang bubuksan na ni Kingjay ang gate, dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at biglang pinagbabaril si Frederick na tinamaan sa ulo at iba't ibang bahagi ng katawan.

Dead on the spot ang negosyante habang sugatan naman si Kingjay at dinala sa Lady of Caysasay Medical Center.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Samantala, nakatakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Tagaytay City. Gayunpaman, nagpapatuloy pa rin ang follow up na imbestigasyon at operasyon ng Lemery Municipal Police para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek.