Ipinasilip ni Wowowin host Willie Revillame ang on-going na construction ng studio ng kaniyang game-public service show na "Wowowin" sa isang mall sa Alabang na pagmamay-ari din ng mga Villar, na siyang may-ari din ng ALLTV.

Muling nagsalita si Willie sa pamamagitan ng "news segment" niyang "24 Patrol" sa kaniyang programa nitong Lunes ng gabi, Pebrero 6.

'Sanggol pa lang ito!' Willie, nanawagang ipagdasal, isantabi ang politika sa ikatatagumpay ng ALLTV

Ani Willie, hindi raw totoong magsasara na ang ALLTV, bagkus, gumagawa ito ng mga hakbang at paraan upang mas mapaganda pa ang signal at reach nito.

Pinangungunahan daw kasi ng ilang netizen sa social media ang katotohanan gayong wala naman silang alam sa tunay na mga nangyayari.

"Heto po ang latest, minamadali na po 'yan (Wowowin studio) para magkaroon na tayo ng (live) audience," ani Willie.

Nagpasalamat naman si Willie sa lahat ng subscribers at followers ng kaniyang programa sa social media. Bago kasi umere ang Wowowin sa ALLTV ay nagkaroon muna ito ng social media platforms.

Naniniwala umano ang TV host na hindi sila pababayaan ng network at maghintay-hintay lamang daw ang publiko sa mga plano ng may-ari para sa lahat.