Binuksan nang muli ng Manila City Government nitong Lunes ng gabi, ang ‘MayniLove’ sa Mehan Garden, Ermita, Manila, na siyang Valentine’s offering nila sa mga Manilenyo ngayong Pebrero, na tinaguriang ‘Love month.’

Pinangunahan mismo ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagbubukas ng ‘MayniLove,' na isang proyekto ng lungsod sa pamamagitan ng Bureau of Permits na pinamumunuan ni Levi Facundo, katuwang ang Local Economic Development and Investment Promotions Office.

Sa kaniyang mensahe, nanawagan si Lacuna sa lahat ng mga residente ng lungsod, maging taga-ibang lugar na dalawin at pasyalan ang ‘MayniLove,’ upang maipagdiwang ang buwan ng pag-ibig nang hindi kinakailang gumastos ng ubod ng mahal.

“Ito ang ating paraan para kahit paano ay mabigyang muli ng pagkakataon na bumangon ang maliliit na negosyo mula sa hagupit na dala ng Covid-19,” sabi Lacuna.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sa kaniyang panig, pinasalamatan naman ni Facundo ang lahat na tumulong upang maging matagumpay ang pagbubukas ng 'MayniLove' sa ikalawang taon nito, particular na si Lacuna.

"Looking back, the effects of the pandemic still linger. That's why we continue to support our local businesses especially MSMEs through the Manila Support Local activities like MayniLove! The goal is to continue to assist our MSMEs in a creative, innovative yet efficient way," sabi ni Facundo.

“Wish 107.5 bus’ was also there on Feb 3 and 6 and will come back on February 10 to feature live performances and we also have "Puppy Love" for dog lovers and play pen for their fur babies plus more surprises from our partners,” aniya pa.

Nabatid na pinapayagan naman ang mga dog owners na dalhin ang kanilang mga alaga basta nakasuot ng diaper ang mga ito.

Mayroon ding play pen kung saan maari nilang iwan ang kanilang mga aso para maglaro ng libre habang mayroon ding mga ibinebentang tuta sa loob ng 'MayniLove'.

Mayroon namang naghihintay na sorpresang regalo para sa mga sweet couples na biglaang mapipili kapag nahagip sila ng kamera.

Samantala, sinabi ni Lacuna na ang tradisyunal na pagdiriwang ng Valentine’s Day ay sa Pebrero 14, ngunit kailangang maghari ang pagmamahalan sa isang buong taon o sa araw-araw at dapat na magsimula ito sa pamamagitan ng pagmamahal sa sarili upang maibahagi ito sa kapwa.

“Ito ang panahong pinadadama natin ang pag-ibig sa isa’t- isa,ito man ay pag-ibig sa pagitan ng mag-asawa, magsyota, nagmamahalan sa pagitan ng anak at mga magulang, sa pagitan ng magkakaibigan at para sa sambayanan at sangkatauhan. Pero siyempre, dapat lagi nating isipin muna na unahin ang pagmamahal sa sarili upang tayo naman ay makagawa o magawa nating mahalin ang ibang tao,” dagdag pa ng alkalde.

“Ang pagpapahalaga natin sa ating kapwa ay madali nating magagawa katulad na lang kung paano natin pahalagahan ang ating mga sarili,” aniya pa.