Nagbigay ng kuwento ang gumaganap na "Regina Vanguardia/Valentina" na si Janella Salvador hinggil sa trending na kissing scene nila ni Joshua Garcia sa papatapos na "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" matapos mausisa ng press tungkol dito.

Ani Janella, hindi naman sila nagka-ilangan ni Joshua nang gawin nila ito, dahil hindi ito ang unang beses na nagkatrabaho sila. Isa pa, napag-usapan na raw nila ito bago pa kunan ang eksena.

Natawa pa si Janella sa sundot na tanong ng isang showbiz reporter kung nagpraktis pa ba sila bago ito kunan.

"Actually when we did it, hindi naman awkward kasi beforehand, pinag-usapan namin na 'Oh, we're gonna have a kissing scene,' actually not just one kissing scene… basta malala pa siya, so first time ko 'yon gawin on-screen," pag-amin ni Janella.

Joshua, 'hinigop' si Janella; mga nasa 'pila', windang

"But since comfortable naman ako kay Josh especially no'ng time na 'yon, it wasn't awkward naman. Naka-5 days kami…" dagdag pa.

Wala si Joshua nang mga sandaling iyon kaya hindi ito natanong tungkol dito.