"May nanalo na naman!"

Tila nabuhay ang dugo ng mga netizen sa trending na "laplapan" scene nina Joshua Garcia at Janella Salvador sa isang eksena sa "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" kung saan binansagan pa ang Kapamilya heartthrob na "Higop King".

Sa eksena, makikitang hinalikan ng karakter ni Joshua na isang pulis ang karakter na si Regina Vanguardia/Valentina na ginagampanan ni Janella Salvador.

Ngunit ang naturang karakter ay isa lamang "ekstra" na nanggaya sa karakter ni Joshua sa serye.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Nawindang naman ang mga netizen sa naturang eksena at binansagan naman si Janella bilang "Janella 'Pinagpala' Salvador" lalo na ang mga "nakapila" sa Kapamilya actor, o ang kaniyang mga masugid na tagahanga.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Grabe yung higop ni Joshua kay Janella hahahaha sana all!"

"Kainggit naman si Janella hahahaha. Sana labi na lang akez…"

"Makalaplap naman si Joshua hahahaha sana kami rin!!!"

"The 1st lips to lips scene of joshnella. Unexpected!"

"Joshua and Janella stepped up this time. Did not expect this."

https://twitter.com/zarrlastimosa/status/1584545075023220738

"Hindi ako makahingaaaaa Juswaaaa!!!! Tapakan mo ko!!!!"

May ilan pang muling inilayag ang "JoshNella" o dating tambalan nina Joshua at Janella sa teleseryeng "The Killer Bride".

Tanong ng marami, paano naman kaya ang kissing scene nila ni Darna na ginagampanan ni Jane De Leon?