Usap-usapan ngayon ang "balik-alindog" ni Kapamilya actress Yen Santos matapos i-flex ng kaniyang gym coach ang session niya rito sa TikTok.

"Workout with Yen Santos," sey sa caption ng nagngangalang "Coach Flex."

Paolo Contis, inaming dyowa na si Yen Santos, pero di raw dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes

TikTok video mula kay @coach_flex

Kitang-kita naman sa video ang hingal na hingal na si Yen Santos habang ginagamit ang isang gym equipment.

Ngunit inulan naman ng "pambabarda" ang comment section nito.

"Para hindi mapalitan."

"Ito ang totoong Jade in real life."

"#workoutparadiiwan."

"Workout as a friend."

"Ganda ni Yen talaga. Swerte ni Master Paolo Contis."

"Workout para kay Paolo."

"Baka ipagpalit as a friend."

"Need na magbawas ng timbang, baka ipagpalit."

Matatandaang inamin na ni Paolo Contis ang tunay na relasyon nila ni Yen sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Yen tungkol dito.