Nagbigay ng reaksiyon at komento si Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa pinag-usapang isyu sa pagitan ng "It's Showtime" hosts Vice Ganda at Karylle.

Hindi kasi nagustuhan ng mga tagahanga ni Karylle ang isang biro ni Vice sa kaniya; gayundin, sinisita rin nila ang tila kakaunting exposure sa singer-actress, lalo't may mga nadagdag na hosts na pawang malalapit sa komedyante.

Agad namang nilinaw ng dalawa na walang isyu sa pagitan nilang dalawa. Nag-tweet pa si Vice na okay sila ni Karylle, at hindi naman daw ito na-offend sa ginawa niyang hirit dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2023/02/03/vice-ganda-kinumpirmang-okay-sila-ni-karylle-may-pasaring-kay-kuya-kim/">https://balita.net.ph/2023/02/03/vice-ganda-kinumpirmang-okay-sila-ni-karylle-may-pasaring-kay-kuya-kima>

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa panayam naman ni MJ Marfori sa ina ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla na naganap sa backstage ng "ASAP Natin 'To," sinabi nitong mukhang hindi naman na-offend ang anak dahil hindi rin ito nagkuwento sa kaniya.

Siguro daw ay dahil close na close na talaga sila ni Vice kaya balewala na lamang sa kanila ang mga "bardahang" biruan sa noontime show.

Ibinida rin ni Zsa Zsa kung gaano kabait, ka-sweet, at ka-mature na anak si Karylle.

Sa kabilang banda, hangad ni Zsa Zsa na mas mabigyan nga raw ng mas marami pang exposure ang anak dahil talagang talented ito.

Nananawagan ang fans ni Karylle na more hosting jobs pa raw sana ang ibigay kay Karylle, o kaya naman ay pakantahin sa "ASAP Natin 'To" dahil singer din ito, o pabalikin na rin sa pag-arte.

Sa ngayon kasi, araw-araw na napapanood si Karylle sa It's Showtime.