Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes na ipatutupad nila ang stop-and-go traffic scheme sa EDSA-Shaw Boulevard Northbound simula bukas para sa 52nd Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Council Conference.

Ayon sa MMDA, isasagawa ang nasabing panukala simula bukas, Pebrero 6, hanggang sa Biyernes, Pebrero 10.

“Under the scheme, all vehicles on the said portion will be ordered to stop whenever delegates pass by,” pahayag nito.

Nasa 685 personnel naman daw ang ide-deploy nila para masiguro pa rin ang maayos na ng daloy ng trapiko.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho