Usap-usapan ngayon ang bagong YouTube vlog ni Mimiyuuuh kung saan lowkey na inamin ng online star ang pagkahulog ng loob noon sa kapwa vlogger na si Benedict Cua.

Ito ang pabirong mga hirit ng dalawa sa kanilang comeback vlog nitong Lunes, Pebrero 6, matapos ang ilang taong naging tampuhan.

Sa kanilang usapan sa sasakyan habang patungo ng Tagaytay, dito low-key na napag-usapan ng dalawa ang tila nasunog na ugnayan.

“Kasi nag-away tayo. Kasi may issue,” unang sundot ni Mimiyuuuh nang magkamustahan.

R' Bonney Gabriel, nagbalandra ng tahong sa NYFW

“Okay kami ni Benedict, nagkatampuhan lang kami,” sunod na paglilinaw ni Mimiyuuuh na sinang-ayunan naman ni Benedict.

Unang pinakilig ng dalawa ang milyun-milyong netizens nang mag-viral ang kanilang collaboration noong 2019 sa kapwa YouTube channels.

“Alam mo ba na-miss nga kita talaga. Kaya I’m super happy na nandito ka. Magkasama na ulit tayo,” sey ni Mimiyuuh.

Matatandaan ang pagpapahinga si Benedict sa content creation industry dahil sa naramdamang pagkapiga, bagay na naintindihan din ni Mimiyuuuh.

Basahin: Benedict Cua, aminadong piniga ng ‘pabonggahan’ nang vlogging industry: ‘Di na masaya’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Kailangan ko lang i-regain ‘yung sarili ko,” saad ng YouTube star.

“Andito na ako sa point na wala na akong pakialam kung may na-publish na ako o wala. Nandito na ako sa point na may views man o wala, okay lang,” pagdedetalye ni Benedict.

Samantala, nabanggit naman ni Mimiyuuuh na prayoridad niya ang sarili sa ngayon.

“Kaya ko naman talaga kahit mag-isa ako. Okay naman ako mag-isa,” sey niya.

“That’s good. Natutuwa ako na sobrang laki ng pinagkaiba ng Mimi ngayon sa Mimi dati,” ani Benedict.

“Sobrang proud ako kasi lagi kang maraming milestones. May mga times na gusto kong magcongratulate syempre nahiya ako magsabi,” pagpapatuloy niya.

Dito na sunod nabuksan ang naging dahilan ng halos tatlong taong walang kibuan ng dalawa.

“Deh kasi parang lumayo nga rin talaga yung loob ko sayo. Well, hindi mo naman kasalanan ‘yun. Ako naman ‘yun,” sey ni Mimiyuuuh.

Aniya, pa: “Hindi kasi mabilis kasi ako maattach sa mga tao na nagbibigay ng genuine kindness. Ako yun. It was my fault. Pero ngayon, I learned my lesson.”

Lalo pang lumalim ang usapan nang tanungin na ni Benedict ang kaibigan kung na-misinterpret ba nito ang dating ipinakitang kabaitan.

“Pero na-mislead ba kita ever?” diretsang tanong niya.

“Feeling ko I’m just young,” hindi rektang pag-amin ni Mimiyuuuh sa tanong.

Gayunpaman, agad na humingi rin ng tawad si Benedict sa kaibigan.

“If I did, I apologize,” aniya.

Sa takbo ng vlog, bagaman makikita ang nabuong ilangan sa pagitan dalawa, naging natural pa rin ang batuhan ng biro at tuksuhan nina Mimi at Ben.

Ikinatuwa rin ng marami ang pagbabalik nga ng dalawa matapos ang ilang taon.

“Bakit parang may naheal 'tong vlog na 'to sa akin na 'di ko maexplain. Huhuhu I happy you both are back together in one video!! <3,” komento ng isang fan sa YouTube video.

“HOYYYY!!!! ANG SAYA NIYO MAKITA ULIT TOGETHER!! 🥺❤” segunda ng parehong kaibigan ng dalawa na si Kyo Quijano.

“I can actually relate with Mimiyuuh. Being part of the third gender community it's really hard to find someone who is genuine and comfortable being around you. Minsan kasi just because you like hanging out with them, iniisip na nila na you like them romantically. We just want someone we can have fun with and feel na we are not being taken for granted. I understand that sometimes you can't help but feel attracted to someone who treats you with kindness and generosity,” dagdag na komento ng isa pa.

“Mimi and Benedict are so compatible huhu lahat ng humor and jokes nila sweetspot 😭

“I’m here for some Mimidict goodness! Namiss ko to silang dalawa, anu ba kase talaga nangyari fron before??? 🥹 yung kilig na nakukuha natin sa kanila is very genuine!”

“Omg! They're reunited and it felt so good!”

“Mimiyuuh and Benedict pretty sure made me realize a lot of things with the people around me. Nice to see them back and laughing together .😍❤️”

“Legit was smiling from start to end ng video. We missed seeing you both in one screen. Happy to see you both again together. 😘🥰

“Ang tapang ni Mimiyuuuh I admit yung feelings nya. And good thing na survived nila ni Ben yung struggles na yun. More collab please.... Deserve namin to. Hahaha”

“They are back!!! I see them as a real couple talaga. Hopefully, in another world or a different time.”

Narito ang kabuuang vlog ni Mimiyuuuh:

Sa hiwalay na YouTube upload sa YouTube channel naman ni Benedict Cua, parehong comeback vlog ng dalawa ang inabangan ng subscribers.

&t=2s