Matapos maispatan kamakailan sa isang social media post ni Jennylyn Mercado ang naipundar na bahay nila ng asawang si Dennis Trillo sa Las Vegas, naging usap-usapan agad online ang potensyal umanong paglipat na ng pamilya ng Kapuso couple sa Amerika.

Matatagpuan sa Summerlin Residential Community ang bagong ari-arian ng showbiz royalties sa abalang lungsod ng Vegas.

Ayon sa isang ulat, taong 2021 pa nabili ng mag-asawa ang property ngunit nito lang 2023 pormal na nai-turn-over sa kanila. Kasalukuyang nasa Amerika ang mag-asawa para personal na makita ang bahay.

Paglilinaw ni Dennis sa pamamagitan ni “King of Talk” Boy Abunda nitong Lunes, Pebrero 6, hindi tuluyang mananatili ang kanilang pamilya sa Amerika kagaya ng mga haka-haka.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Gayunpaman, ang naipundar na bahay ay investment umano ito ng kanilang pamilya.

“Alam lang natin sa Las Vegas kasi is a strip but the residential area around that strip ay napakaganda so I think this is a good investment,” reaksyon ni Tito Boy sa plano ng mag-asawa.

Congrats, Jen at Dennis!