Na-scam ang isang 42-anyos na babae mula sa Balamban, Cebu Province dahil sa paniniwalang nanalo siya ng television show ni Willie Revillame.

Photo courtesy: Calvin D. Cordova

Humingi ng tulong ang babae nitong Lunes, Pebrero 6, sa Criminal Investigation and Detection Group-Central Visaya (CDIG-7) matapos ma-scam ng P20,000 ng isang lalaki sa paniniwalang nanalo siya sa ng P100,000 sa show ni Willie Revillame.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kuwento ng ginang, nagsimula ang kaniyang paghihirap noong Oktubre 25, 2022 nang manood siya ng game show ni Revillame sa pamamagitan ng Facebook live. 

Sa kasagsagan ng show, ang mga viewers ay inatasang maglagay umano ng cellphone number sa comment section bilang raffle entry sa show.

Sinunod naman niya ito dahil sa pagnanais manalo ng cash prize. Ilang sandali pa, tunawag gng isang lalaki sa biktima at nagpakilalang si Revillame.

Anang 42-anyos, kaboses daw ng lalaki si Revillame. Sabi pa niya, natuwa siya nang sabihin sa kanya na nanalo siya ng P50,000.

Maya-maya pa, naputol daw ang kanilang pag-uusap ni "Revillame" dahil sa isang lalaki na nagpapakilalang staff ng TV host. Pagkatapos ay sinabihan siya na nanalo siya ng karagdagang P50,000. 

Sa kanilang pag-uusap, sinabihan siya na kailangan niyang magbayad ng P2,7000 bilang processing fee para ma-release ang kaniyang napanalunan. Matapos ang negosasyon, nagpadala siya ng P2,700 sa kausap niya gamit ang GCash.

Bukod sa P2,700, noong Oktubre 28, inatasan siyang muli na magdala naman ng P4,500 bilang "lifetime insurance fee." 

Makalipas ang ilang araw, Nobyembre 3, muling hiniling sa babae na magpadala siya ng P5350 bilang bayad sa in-house auditor ng kompanya at P3,400 bilang receiving clearance fee.

Muli ulit tumawag noong Nobyembre 28 ang scammer at nag-demand ng P4,600 bilang bayad sa litigation form mula sa law firm para maproseso ang napanalunan umano ng biktima.

Nagtanong naman daw ang babae kung bakit siya pinagbabayad ng mga fees kahit siya yung nanalo. Gayunman, sinabi sa kaniya na polisiya iyon ng kumpanya.

Makalipas ang ilang buwan, hindi nakuha ng babae ang umano'y napanalunan kaya humingi na siya ng tulong. 

Humihingi rin tulong ang babae kay Revillame na tulungan siyang mabawi ang P20,000. Sinabi niya na ang P20,000 na nawala sa kaniya ay malaking halaga na para sa isang tao na ang pangunahin pinagkakakitaan ay ang pagsasaka. 

Samantala, iniimbestigahan na ng CIDG-7 ang insidente para sa posibleng pagbawi ng na-scam na pera.

Dahil sa nangyari, nanawagan ang pulisya na maging maingat sa mga hindi kilalang tao na nagsasabing nanalo sila sa isang raffle game.

Calvin D. Cordova