Makararanas pa rin ng katamtamang pag-ulan sa hilaga at gitnang Luzon nitong Lunes, Pebrero 6, dahil sa northeast monsoon o amihan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, may mga kaulapan at katamtamang ulan ang mararanasan sa Metro Manila at maging sa natitirang bahagi ng hilaga at gitnang Luzon dulot ng amihan.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na masamang magiging epekto ang mangyayaring pag-ulan dito.

Samantala, makararanas ng maulap na may kasamang panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms sa mga bahagi ng MIMAROPA, Bicol Region, Visayas at Mindanao na bunsod naman ng localized thunderstorms.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng pagbaha o kaya naman ay pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malakas na thunderstorms.