Labing-anim na sakay ng isang bangkang de-motor ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos silang masiraan ng makina sa karagatang sakop ng General Santos City nitong Linggo.

Sa report, humingi ng tulong sa PCG ang may-ari ng MB Kent Paul kaugnay ng insidente.

Kaagad na nagresponde ang mga tauhan ng PCG District Southern Mindanao sa karagatang sakop ng Barangay Tambler kung saan nasagip ang 16 na sakay ng bangka.

Patungo na sana sa General Santos City ang bangka mula sa Balut Island nang maganap ang insidente.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang mga pasahero ay dinala sa Purok Puting Bato sa Barangay Calumpang sa nasabing lungsod kung saan sila sinalubong ng kanilang pamilya.