Naiyak na lang sa tuwa ang Filipino actress, model, at certified "Engene" na si Mona Alawi nang personal na makita ang K-pop group na ENHYPEN sa concert ng grupo.

Sa tweet ng fan girl, sinabi nito na lubhang kagalakan ang kaniyang nararamdaman dahil live na niyang makikita na mag-perform ang nasabing K-pop group.

"will post proper pictures tomorrow, but here’s me crying muna <3 i had so much fun and i’m so grateful to have been able to watch enhypen perform live, they’re such an inspiration to me and i love them," tweet ni Mona.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/_monaalawi/status/1621891936700477442?s=20&t=4wu7xLMzHSuzFgI-n67E_A

Nanghihinayang naman si Mona na hindi siya nakabili ng mga merch.

Kasalukuyang nasa Pilipinas ang ENHYPEN para sa kanilang world tour na tinatawag na "MANIFESTO."

Idaraos ng K-pop boy group ang Manifesto in Manila sa Pebrero 3, 4, at 5 sa Mall of Asia Arena.

Nauna na ring naiulat ng promoter na Pulp Live World noong Enero 20 na sold out ang three-day Manifesto tour in Manila.