Isang malaking hamon ng mga magkasintahang parehong “public figure” ay ang pagpapanatiling matatag ang kanilang relasyon. Kinakailangan ng magkasintahan na malaman kung paano balansehin ang kanilang publiko at pribadong buhay. Matatandaang may mga celebrity couples na ang sunod-sunod na naghiwalay dahil sa isyu ng cheating, kawalan ng oras sa isa’t isa, at pagkakaiba ng gusto sa buhay; pero mayroon namang mga mag-asawang tanyag na tao na umabot sa isang dekada o higit pa ang kanilang relasyon.

Narito ang mga celebrity couples na 15 taon at higit pa na magkasama:

Gladys Reyes at Christopher Roxas, 30 taon

Ang kuwento ng pag-iibigan nina Christopher at Gladys ay nagsimula sa soap operang “Mara Clara” noong 1992. Nag-date ang magkasintahan sa loob ng sampung taon at sa wakas ay nagpakasal noong 2004. Sila ay may apat na anak: Christophe, Aquisha, Grant, at Gavin Cale.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sa Instagram post naman ni Gladys noong Enero 23, ibinahagi niya ang larawan nilang mag-asawa sa isang cafe sa Baguio City, at ito ay may caption na, “30 years of togetherness. My boyfriend of 11 years. My husband of 19 years. My forever love #GladysAndChristopher30years.”

Gelli de Belen at Ariel Rivera, 26 taon

Ikinasal ang tv-host-actress na si Gelli de Belen sa mahusay at guwapong aktor na si Ariel Rivera noong 1997. Sa kabila ng mga isyung kinaharap nila noon at sa mga haka-hakang hiwalay na sila, nanatiling matatag pa rin ang mag-asawa at umabot na sa 26 taon ang kanilang pagsasama. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki, sina Joaquin at Julio, na nag-aral at nagtayo ng negosyo sa ibang bansa.

Ayon naman kay Ariel, hindi lamang pagmamahal ang nagpapatibay sa isang relasyon kung ‘di ang respeto na ibibigay mo sa iyong asawa o kasintahan.

Lucy Torres at Richard Gomez, 23 taon

Inamin ng aktres at Ormoc City mayor na si Lucy Torres Gomez sa mga interbyu sa kaniya, na sa edad na 12 taong gulang ay naging crush na niya ang guwapong aktor na si Richard Gomez. Nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa taong 1993, sa isang shampoo commercial sa Lake Caliraya. Pangarap lang daw noon ni Lucy na makasal kay Richard at hindi niya inakalang magkakatotoo ito. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng magandang anak na si Juliana, masaya at patuloy na matatag ang kanilang relasyon.

Manny Pacquiao & Jinkee Pacquiao, 20 taon

Si Manny Pacquiao ay itinuturing bilang isa sa mga pinakadakila sa propesyong boksing.Samantalang, si Jinkee naman ay fashion icon at nagsilbi bilang bise gobernador ng lalawigan ng Sarangani mula 2013 hanggang 2016.

Ikinasal ang couple mula pa noong 1999, mahigit dalawang dekada ng magkasama sina Manny at Jinkee at mayroon na silang limang anak.

Pinayuhan at sinuportahan ni Jinkee ang asawa nang magdesisyon itong pumasok sa political arena ng bansa. Gayunpaman, ito ay isa lamang sa ilang iba pang mga bagay na nagpapatunay sa tibay ng kanilang pagsasama.

Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, 23 taon

Ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ay isa sa hinahangaang celebrity couples sa mundo ng showbiz dahil na rin sa tagal at tibay ng kanilang relasyon. Taong 1997, nagsimula ang showbiz career ng dalawa at naging magkaibigan. Humingi pa raw noon si Carmina ng mga signs na magtuturo sa lalaking makakatuluyan niya at ang lahat ng signs na iyon ay nagawa umano ni Zoren. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng kambal na sina Mavy at Cassy na parehong nasa showbiz na.

Charlene Gonzales at Aga Muhlach, 22 taon

Bihira at mabibilang lamang sa daliri ang mga showbiz marriage na tumatagal. Isa sa mga nakaka-inggit at hinahangaan na relasyon ay ang tambalang Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Sila ay dating magkaibigan na naging magkasintahan at ikinasal noong 2001. Ayon kay Charlene, si Aga umano ang "the best, best friend at partner" sa buong mundo. Maalalang nagbigay ng papuri at pagbati si Charlene sa kaniyang "the best man", para sa kanilang 17th wedding anniversary.

Aniya, “Thank you for the many years of love and happiness. My husband and my best friend. You are the best. Here’s to a lifetime together.”

Wala ba rito ang celebrity couples na paborito mo? Kung wala, maaaring hindi naging matibay ang kanilang relasyon.