Isang “unforgettable day” para kay Kapuso star at Family Feud host Dingdong Dantes ang naging sorpresang pagbisita ng dalawang anak at misis sa kaniyang trabaho.

Ito ang proud dad moment ni Dingdong sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Pebrero 4.

Present sa surprise sa celebrity dad ang mga anak na sina Zia at Sixto at syempre ang misis na si Kapuso actress Marian Rivera.

“Family Feud just got a little more personal with a surprise visit from my loves! So proud to share the stage with my wife and kids on this unforgettable day,” mababasa sa caption ni Dong.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pinusuan ng maraming netizens at kasamahan sa showbiz ang cute na tagpo ng Pamilya Dantes.

Sa pag-uulat, umani na ng nasa mahigit 34,000 likes ang natuurang IG post ni Dong.