Sa tuwing magsasara ang session road sa araw ng Linggo, doon lumalabas ang mga local artist sa Baguio City upang ipamalas ang kanilang mga talento sa kalsada sa pamamagitan ng kanilang ‘chalk art’.

Isa si Glysdi Faye Jocson Reyta, 28, sa mahigit 20 artists na gumagamit ng yeso upang gumawa ng iba’t ibang obra sa kalsada na nagsisilbing canvas nila.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Reyta na ang pagcho-chalk art nila ay naging tradisyon na simula pa noong bago mag-pandemic.

“Dati po kasi parang wala lang nag cloclose lang ang session rd .tapos biglang dumami lang po yung mga nagcha-chalk art everytime i-close ang session. Parang naging event na po siya every Sunday ng Baguio Tourism para sa tourists and baguio residents,” ani Reyta.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Kuwento pa niya, nang tumagal daw ang aktibidad na ito, nakabuo sila ng grupo na tinawag nilang ’Guhit Talong. Nakuha raw nila ang pangalan na iyon nang mapagkatuwaan nilang gumuhit ng talong noong buwan ng nutrisyon.

“Masaya po [ako] kasi sa simpleng hobby namin nakakilala kami ng mga bagong kaibigan,” ani Reyta.

Larawan mula kay Glysdi Faye Jocson Reyta

Nang pumutok ang pandemta at pinatupad ang mga lockdown sa bansa, doon pansamantalang nahinto sina Reyta sa nakasanayan nilang pagtitipon. Mabuti na lamang daw at naibalik din ito agad noong Nobyembre 2021.

Natuwa naman daw si Reyta dahil nang i-post niya ang mga larawan ng kanilang pagcho-chalk art sa FB group na ‘Kalma, Artist Tayo’, marami raw ang natuwa at nais sumali sa kanila.

Sa ngayon ay umani na ng mahigit 1,300 reactions, 40 comments, at 279 shares ang kaniyang post.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!