Dahil sa kaniya pa ring glowing na awra, hindi aakalaing mayroon nang chikiting, at sa katunayan ay nasa late 30’s na ang Kapamilya star na si Anne Curtis.

Ito nga ang napansin muli ng kaniyang milyun-milyong followers sa ilang mga Instagram posts kamakailan kabilang na ang kaniyang “face card” o up-close na larawan ng kaniyang fresh-looking at youthful na mukha.

View this post on Instagram

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

As usual, ilang kapwa celebrities ang nakapansin sa wala pa ring kupas na alindog ng “It’s Showtime” host.

“My ate so beautiful! ❤️❤️❤️” sey ng kaniyang sisteret na si Jasmine Curtis.

“Super pretty mo dito mhie! ❤️” segunda ni Mariel Padilla.

“Fresh!!!!” dagdag pa ng kaibigang si Georgina Wilson.

“Grabe Ganda!!!😍😍😍” saad ng fashion designer na si Rajo Laurel.

Biro ng isang netizens, parang magde-debut pa lang ang aktres sa kaniyang nalalapit na ika-38 kaarawan sa Pebrero 17.

“Mag-18 ka palang siguro sa 17 sist!!!!” sey nito.

“Mas fresh ka pa sa mga bulaklak sa dangwa!🤎” segunda ng isa pa.

“Ate nagkaanak din po ako, pero bakit di ko maachieve ganto ka fresh? 😢😢😂😂” pilyang hirit ng isang fan.

“Ang diyosa pa rin mula sa Magic Kungdom Til now. Sorry Childhood Crush Here!”

Sa kaniyang sexy na black ensemble nitong Biyernes, Pebrero 3, iflinex naman ng aktres ang kaniya pa ring super fit na pagangatawan.

Positibo pa ring mga komento mula sa kaniyang followers ang natanggap ni Anne.

“Panis ang mga gen-z sa diyosang totoo hihi”

“A fashion icon!! 🖤”

“You look like Tokyo from Money Heist! 😍”

“BIG SLAY MAMAS!😍🔥”

Ang naturang post sa IG ay umabot na sa mahigit 154,000 likes sa pag-uulat.