Dalawang linggo sa kaniyang trending na programa na “Fast Talk With Boy Abunda,” may hirit ngayon sa Kapuso Network ang tagasubaybay ng “King of Talk.”

Tila nabibitin kasi ang marami sa ilang pasabog na rebelasyon mula mismo sa ilang maningning at kontrobersyal na stars kabilang na ang naitampok na sina Marian Rivera, Bea Alonzo, Paolo Contis, Alden Richards, Dina Bonnevie, bukod sa iba pa.

Basahin: Studio ng brand new show ni Boy Abunda sa GMA, inokray agad ng netizens? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hinahangaan din ngayon ang kalidad ng pakikipanayam ng host sa mga showbiz personalities na anang fans ay diretsa, walang pasakalye at higit sa lahat ay may laman.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Kaya naman pakiusap na ng ilang netizens, i-extend at bigyan ng disenteng haba ng pag-ere ang programa sa telebisyon.

Ito ang mababasa sa ilang YouTube contents ng programa ngayong Biyernes, Pebrero 3.

“Grabe talaga show ni Tito Boy, sobrang tinatangkilik..at ang sarap lang kasi manood dahil napaka positive lang lagi ng mga interviews. More more more power to you Tito Boy at sa Fast Tall,” sey ng isang netizen.

“Kuya Boy wala kang kupas how the way you interview your guests, napaka relevant ng mga questions and napaka respectful. Hopefully GMA will make it longer kasi super bitin! sana gawing weekend talk show na ang the Fast Talk!” segunda ng isa pa.

“Sana more time sa talk show ni Boy Abunda ang galing kasi nia . 👍👍👍❤️!”

Basahin: Tito Boy, inaming may plano nang iwan ang ABS-CBN bago pa nawalan ng prangkisa ang network – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Kuya Boy, itinataas mo ang kalidad ng mga showbiz talk show! More power on your show!!”

“Give this show a more decent air time please lng! This is a quality talk show we all missed!”

“Legit showbiz talk show, straight to the point! More airtime please!”

“Quality showbiz talk show ang Fast Talk. You deserve more air time tito Boy and it’s good that you are now a Kapuso, we can now watch you.”

“Sana gawin to na show kahit 45 minutes.laging bitin eh! 😊

“I hope and pray they will extend your time longer because you're an exemplary host and speaker. Blessings to you kuya Boy!❤

“What a way to make a TV Comeback! Trending and Hundred thousands (millions) of views! GMA gave Boy his very first TV break, blossomed in ABS and now he's back to where he started.”

“Ang galing ni Kuya Boy ibang klaseeee sana maging longer pa superr bitin eh . God bless you Kuya Boy.❤❤❤

Wala pang tugon ang GMA sa request na ito ng fans.