Nasunog na nga ang kamakailang chikang babalik sa kaniyang home network si “Fearless Diva” Jona Viray ngayong kumpirmado na ang kaniyang inaabangang live comeback sa ASAP Natin ‘To bukas, Linggo.

Matatandaang noong Disyembre 2022, naging maugong na usap-usapan sa ilang Kapuso fan pages ukol sa umano’y pagbabalik na ni Jona ngayong 2023 sa Kapuso Network, ang kaniyang dating tahanan.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Si Jona ang kauna-unahang “Pinoy Pop Superstar” grand winner noong 2005. Matapos ang isang dekada, ay nag-ober-da-bakod ang singer sa Kapamilya Network noong 2016.

Mula Jonalyn Viray, nakilala ang homegrown talent bilang Jona na lalo pang bumulusok ang karera sa kaliwa't kanang concerts, album, teleserye at movie theme songs.

Ngunit ,atapos mawala sa ere ang ABS-CBN noong 2020, naging permanente pa ang singer sa Sunday music variety show.

Hanggang sa dumating na ang 2021 at naging abala rin ang singer sa kaniyang personal na buhay dahilan ng malimit na lang niyang appearance sa naturang programa.

Matatandaang isang grand comeback noong Enero 2022 ang inihanda para kay Jona para sa single na “Someone To Love Me.”

Gayunpaman, hindi rin ito naging dahilan para sa permanenteng appearance ng singer.

Noong Hulyo 2022 nang mapabilang si Jona sa Kapatid Network ng TV-5 nang maging hurado sa talent reality show na Sing Galing.

Pag-amin niya noon, naging freelancer na lang siya at naimbitahan pa nga ng isang out of town show ng Eat Bulaga.

“Nag-inquire daw ang Eat Bulaga if I can join them doon sa out of town show nila,” ani Jona noon na hindi niya napagbigyan dahil sa pagiging abala niya sa “Sing Galing.”

Basahin: Jona Viray, freelancer na, inaming inimbitahan ng isang Kapuso show kamakailan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Mula noon, inabangan na ng maraming fans ng Fearless Diva ang kaniyang pagbabalik sa ASAP stage.

At ngayon ngang Sabado, Enero 4, kumpirmado na ang pangmalakasang concert-level comeback ni Jona sa Kapamilya TV bukas, Enero 5.

Agad na nagpahayag ng excitement ang maraming fans online.

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1620696395291279361?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1620696395291279361%7Ctwgr%5E33071d8dbb0b95b0aa80c78f5414fcc44fa4d8d7%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fbalita.net.ph%2F2023%2F02%2F02%2Fjonalyn-viray-magbabalik-asap-na-nga-ba%2F

“Yasssssssssss ang matagal na naming iniintay, nagbabalik na siya welcome back aming Mayoraaaa JONA!🫶💛” sey ng isang fan.

“Welcome back Miss Jona!”

“Yes!is asa hinahanap ko sa ASAP!”

“Wow welcome back jona on ASAP♥️♥️♥️!”

“Namiss ko si#Jonasa ASAP concert stage... welcome back fearless Diva, mabubuo na naman ang Birit Divas/Queens!”

“Finally, may rason na para manood ulet ng Asap😉!”

“So happy to hear Jona is back!”

Ngayon pa lang, umaasa ang fans na tuloy-tuloy na muli ang projects ng Kapamilya singer sa ABS-CBN.

Welcome back, Jona!