LUPAO, Nueva Ecija -- Arestado ang isa sa apat na suspek na pumatay umano sa kapitan ng Brgy. San Isidro, ayon sa ulat ng pulisya nitong Sabado, Pebrero 4.

MAP of Nueva Ecija with the municipality of Lupao highlighted.

Ayon sa pulisya, naaresto ang isang suspek noong Enero 28 sa isinagawang pursuit operation. Kinilala ni Col. Richard Caballero, acting Nueva Ecija police chief, ang suspek na si alias "Amboy."

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ni Caballero na una nang inaresto si Amboy dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 (the Comprehensive Law on Firearms and Ammunition), na kung saan nakuha sa kaniya ang caliber .38 Smith and Wesson revolver at isang motorsiklo.

Napag-alaman ng pulisya na ginamit ng suspek ang motorsiklo upang patayin ang kapitan na si Reginald Espiritu noong Enero 24 at noong Enero 30 naman nagsagawa ng extra-judicial confession si Amboy na kung saan sinabi niya na isa siya sa apat na suspek.

Kinilala ni Amboy ang tatlo pang suspek na bilang sina alias "Macky," "Ruel," at "Padogs."

Gayunman, si Macky ay napatay nang makipagbarilan sa mga pulis matapos umano nitong nakawin ang isang motorsiklo sa Sitio Pinagcuartelan, Brgy. Santo Niño 1st, San Jose City, Nueva Ecija noong Enero 30.

Naispatan ng pulisya si Macky na nakasakay sa motorsiklo sa Brgy. Santo Niño 3rd, ngunit sa halip na sumuko ay pinaputukan nito ang mga awtoridad. 

Narekober kay Macky ang isang caliber .357 Smith and Wesson revolver na may mga live ammunition, isang itim na sling bag, at ang sinakyang motorsiklo. 

Isang criminal complaint para sa pagpatay ang inihain laban sa mga suspek.