Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na maabot ang 4.8 milyong tourist arrival target ngayong taon.

Sinabi ng ahensya, double ito sa 2.6 milyong dumating na biyahero noong 2022.

"Ang target natin this year is 4.8 milyon but of course that is the minimum. Ayaw nating mag-stop doon," pagdidiin ni DOT Undersecretary Myra Paz Abubakar sa isang television interview.

Binanggit ng opisyal na noong nakaraang taon, 1.7 milyon lamang ang kanilang puntirya. Gayunman, nakapagtala sila ng 2.6 milyong biyahero na lagpas sa kanilang inaasahan.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Nangangahulugan lamang aniya na unti-unting bumabangon ang industriya sa pagtama ng pandemya ng coronavirus disease 2019 sa bansa.