Tinatayang aabot sa ₱120 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang South African national matapos maharang sa Cebu airport nitong Pebrero 1, ayon sa pahayag ng Bureau of Customs (BOC) nitong Linggo.

Sa pahayag ng BOC-Port of Cebu, nakatanggap sila ng impormasyon na dala-dala ng suspek ang nasabing iligal na droga mula Doha, Qatar sakay ng Qatar Airways flight QR924.

Kaagad na hinarang ang nasabing dayuhan pagdating nito sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) at isinailalim sa X-ray inspection ang kanyang bagahe kung saan nadiskubre ang 17 kilos ng shabu.

Kinumpirma rin ng mga tauhan ngPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na illegal drugs ang laman ng bagahe ng suspek na hindi na muna isinapubliko ang pagkakakilanlan habang iniimbestigahan ang kaso.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act of 2016) laban sa naturang dayuhan.