Ito ang tila wishlist ngayon ng talent manager at pageant enthusiast nang ma-meet si Kapuso star Sanya Lopes nitong Huwebes, Pebrero 2.

Sa isang Facebook post tampok ang selfie kasama si Sanya, nagpahayag ng kaniyang bukas na pagtulong sa aktres si Wilbert Tolentino kung magpasya itong sumabak na rin sa Philippine pageantry.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Pag hahandaan na ba natin saBinibining Pilipinasang isa pang may potential at worth tulungan. Nice to see u again SisSanya Lopez. God bless u & ur family,” mababasa sa caption ng talent manager.

Ilang followers naman ng manager ang todo-suporta sa ideya.

“Go idol ko yn sila magkapatid. Ang Ganda at sexy nag napipili mo sir Wilbert...gud luck po madami mag support sau sir wolbert!” komento ng isang fan.

“Wow! Pwede po sirWilbert TolentinoBasta ikaw dami supportive!♥️

“Thank you for supporting our candidates always Sir. Wil! You are the best!!”

“Love it sirWilbert Tolentino,,, hope makagawa ng page si miss Sanya ng page para sa updates nya sa BB activity nya,,, support kami kagaya kay BB Nicole aka hipon🥰, day 1 transformation hanggang makoronahan siya! 🥰

“Hala bet!”

“May potential tlga c Miss SanyanWilbert Tolentinolalo kung kayo ang hahawak ..Tingnan mo cHerlene Hipon Budolfrom hipon kuno to beauty queen. Deadma nyo lng po ang basher ganyan nmn ang ibang tao mas nkikita ang isang pagkakamali kesa sa madamimong mabuting nagawa.. Lavarn lng po.Godbless and more power!❤️❤️❤️

Samantala, hindi naman nakaligtas sa kaniyang kritiko si Wilbert lalo pa’t naging kontrobersyal muli kasunod ng Miss Planet International pageant kamakailan.

Basahin: Wilbert, may pasabog na screenshots; pagkapanalo ng Miss Planet Philippines, binayaran lang? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Juskwaah... andito nanaman yung mga taong takot sa ss! 🥴” malamang saad ng isang netizen.

“Waaaaagggg baka malasiiinnn....mauwi pa sa screenshot,” segunda ng isa pa.

“hala... sna momsh hindi rin makaladkad ang name ni sanya sa hotseat in the future.. ha”

“Ang iingay nung mga taong takot sa SS duwag masyado HAHAHAHA”

Basahin: Timeline: Paano humupa ang bardagulang Wilbert Tolentino at Zeinab Harake? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan ang naging kontrobersyal na isyu ni Wilbert sangkot ang ilang online personalities kabilang na si YouTube star Zeinab Harake.