Nahaharap ngayon sa kasong murder ang isang pulis matapos maaresto nitong Miyerkules sa loob ng kampo ng pulisya kaugnay sa pagpaslang sa isa ring kabaro na umano'y kalaguyo ng kanyang asawa sa Davao City noong 2022.

Sa report, kinilala ni Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) chief, Brig. Gen. Warren de Leon, ang suspek na si Corporal Derick Tanduyan, 31, nakatalaga sa Police Regional Office 11 (Davao).

Inaresto si Tanduyan sa loob ng kanilang headquarters sa Camp Sgt. Quintin M. Merecido sa Buhangin, Davao City nitong Pebrero 1 ng umaga.

Idinahilan ni De Leon, hawak nila ang warrant of arrest na inilabas ng Digos City Regional Trial Court Branch 18 sa kasong murder laban kay Tanduyan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Tanduyan.

Matatandaang binaril umano ni Tanduyan si Patrolman Harris Jhune Adayo na naging sanhi ng kamatayan nito noong Mayo 31, 2022 matapos umanong paghinalaang kabit siya ng kanyang asawa.

Itinanggi na ni Tanduyan ang krimen.

Nasa kustodiya na ng Regional Personnel Holding and Accounting Section (RPHAS)-Region 11 si Tanduyan at nakatakdang ilipat sa Magsaysay municipal police station sa Davao del Sur.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Tanduyan.

Philippine News Agency