Pag-amin ni Kapuso star Barbie Forteza, wala pa sa kaniyang plano sa ngayon ang pag-aasawa. Paano na si Jak?

Ito ang prangkang sey ni Barbie sa kamakailang media conference para sa isang beauty brand matapos mapagtanto ang kaniya pang potensyal bilang aktres.

“Before, lagi kong sinasabi na sana by the age of 28 [years-old], I’ll be ready to settle down para kahit papano I’ll still have a couple of years to maximize the marriage with the person I love,” pagsisimula ng 25-anyos na si Barbie.

“Then after nun, we get to start [a] family, ‘di ba kasi syempre tututukan mo na ‘yung family mo ‘pag nandiyan na,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Gayunpaman, habang lalo pang namamayagpag ang karera ng Kapuso star, napagtano nito ang mga nais pang gawin sa pag-arte sa nalalapit na future.

“That was before. But now, sa nakikita ko na parang every year I get to really maximize my career as an actress, parang iniisip ko pa kung kailan ako bubuwelo kasi parang there’s just so much to do,” sey ni Barbie.

“Ang dami ko pang gustong ma-achieve talaga as an actress before I settle down. So ayun, now, I’m not so sure,” pagtatapos ng aktres.

Noong Hulyo 2022, matatandaan ang tila pagpapahayag na ng aktres sa long-time boyfriend na si Jak Roberto sa kaniya na lang kondisyon para tanggapin ang kamay nito sakaling mag-alok na ng kasal.

Basahin: Tanging kondisyon na lang ni Barbie para pakasalan si Jak: ‘Dapat may ipon’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“I think dapat may ipon. Bukod dun, wala na. Approved na. ‘Yun na lang, ipon na lang,” diretsa at praktikal na saad noon ng aktres.

Tila ilang taon pa ang bubunuin ngayon ni Jak para sa kondisyon ni Barbie kasunod ng bagong pahayag.

Samantala kamakailan, matapos din ang patok na love team nina Barbie at kapwa “Maria Clara at Ibarra” star na si David Licauco, nananatiling solid “BarJak” ang Kapuso actress.

Basahin: Barbie Forteza, nagpapasalamat sa ‘FiLay’, pero ‘BarJak’ pa rin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Yung lalaking kasama ko noong pandemic na natatakbuhan ko ng personal struggles ko. The one who I share my victories and struggles with. Kumbaga in-accept niya ako ng buong-buo and ganun din ako sa kaniya,” pagtukoy ni Barbie sa boyfriend sa parehong media con.

“Hindi ko naman makakalimutan yun because of FiLay [Fidel at Klay],” sey ni Barbie sa patok na pag-ship sa kaniyang karakter at sa karakter ni David sa Kapuso hit fantasy period drama.

Mahigit limang taon nang magkarelasyon sina Barbie at Jak.