Laugh trip na reaksyon mula sa netizens ang matutunghayan ngayon sa isang concert page matapos mabunyag ngang kasama si Sen. Raffy Tulfo sa “Pinakamakinang” concert ng skincare brand owner na si Glenda Victorio.

Sa kumakalat nang Facebook post ng Philippine concert ngayong Biyernes, Pebrero 3, makikita na ang buong lineup sa inaabangang anniversary concert ng brand.

Basahin: ‘Pinakamakinang vs. mas pinalakas!’ Glenda at Rosmar, magsasalpukan ng concert – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kabilang dito ang award-winning Pinay singer at Fearless Diva na si Jona, si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, si Kapamilya star Andrea Brillantes, ang mga bandang Kamikazee at Mayonnaise, at ang rising artist at “Paraluman” singer na si Adie.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Agaw-pansin naman ang guest appearance ng mambabatas na si Tulfo sa nasabing musical treat dahilan para ulanin ng mga hirit ng netizens.

““Ang namulat ay hindi na muling pipikit kagayaku,” laugh trip na saad ng isang netizen kalakip ang “#KulayRosmarAngBukas. 💖

May isa pang nag-request na kantahin ng host ang theme song ng kilala niyang programa, ang “Wanted sa Radyo.”

“May magrreklamo po ba sa Concert? Kaya Guest si Sir Raffy,” pilyang segunda ng isa pa.

“Abangan ang pinakamakinang na away rosmar at glenda sa raffy tulfo in action live at Araneta,” dagdag na nakakatawang senaryo ng isa pang netizen.

“Dream concert hahahaha Tito Raffy in Manila! 🥰

“Raffy-Sensei! 😍

“anong gagawin ni tulfo??? magpapatulfo ba mga nasa audience??💀

“Raffy Tulfo in Action LIVE sa Araneta! 🙏

Gaganapin ang “Pinakamakinang: The Brilliant Concert” sa Martes, Pebrero 7.