Hindi nakalusot sa Philippine National Police (PNP)-Maritime Group ang ₱29 milyong halaga ng smuggled na produktong petrolyo sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi kamakailan.

Sa social media post ng Maritime Group, nagsagawa sila ng maritime patrol operation matapos makatanggap ng impormasyon na dalawang barkong MT Marnia at MT Jaslyn Stacy ang nagpapalusot ng langis sa karagatan ng Turtle Islands nitong Enero 28.

Nahuli sa akto ang mga tripulante ng MT Marnia na inililipat ang langis sa isa pang barko.

Nang hingan ng papeles ng kargang langis, walang maipakita ang mga kapitan ng dalawang sasakyang pandagat kaya hinuli ang mga tripulante at dinala na rin ang kanilang barko sa subport ng Bongao, Tawi-Tawi upang maimbestigahan ng Bureau of Customs (BOC).

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hindi binanggit sa ulat ang port of origin ng smuggled na langis.

Nasa 2,000 drum ng langis o katumbas ng 400,000 litro ang nakumpiska sa operasyon.