Ngayong 27-anyos na ang Kapuso star na si David Licauco, nabago nga ba ang kaniyang mga prayoridad sa buhay?

Ito ang bahagi ng pag-amin ng “Maria Clara at Ibarra” star sa isang press conference kamakailan ng isang beauty brand kung saan natanong nga ang aktor kung nasa plano na niya ang pag-aasawa.

“Well before, sabi ko dati, when I was 22 [years-old], sabi ko mga 37 eh. Ngayong 27 na ako, parang hindi pa,” sey ni David.

Pag-amin niya, napag-uusapan umano nila ng co-MCAI star na si Rocco Nacino ang tungkol sa pagse-settle down.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“I was talking to, sina Rocco. Pinag-uusapan naming ‘yung mga wedding. Sinasabi nila na, iba daw talaga ‘yung ganong buhay,” aniya pa.

Sa tingin ko, iba na 'yung, iba na 'yung buhay [may-asawa] na ano eh,” dagdag niya.

Gayunpaman, tila hindi naman sinusunog ng aktor ang posibilidad lalo pa kung matagpuan niya na ang tamang tao, aniya.

“Pero syempre if you’re with the right person, I feel like maiintindihan naman nila eh. Kaya tignan niyo naman sila, successful pa rin sila kahit may asawa sila ‘di ba?” dagdag ng aktor.

Sunod na paglilinaw ni David, wala sa kaniyang prayoridad ngayon ang love life.

“Gusto ko magfocus talaga muna sa career ko not just sa pag-aartista but sa negosyo rin kasi kumbaga yung oras natin ano eh, limited lang,” ani David na parehong abala rin sa kaniyang food venture.

“Kung meron kang girlfriend. Kailangan mo siyang bigyan ng oras and I don’t think I’m ready for that din,” pag-amin ng aktor.

Namamayagpag ngayon ang karera ni David sa showbiz sa nagpapatuloy na hit period fantasy drama ng GMA na MCAI.