Kinumpirma ng isang travel website na isa ang isla ng boracay sa top 50 most instagrammable places sa buong mundo.

Sa inilabas na listahan ng Big 7 Travel, nasungkit ng Boracay ang 39th spot sa mga lugar na pinaka-instagrammable ngayong 2023.

“The Philippines cannot be left off this list. The island of Boracay has a total of 804,525,339 hashtags on Instagram and TikTok,” pahayag ng Big 7 Travel.

“The island is known for its beautiful beaches and crystal-clear waters, and we absolutely love all the shot taken here – what will you find for your feed?” dagdag nito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nanguna naman sa listahan ngayong taon ang Milan sa Italy na sinundan ng London sa England at Paris sa France.

Nasa pang-apat at panglimang puwesto ang Istanbul sa Turkey at New York sa United States.

Kasama rin sa sampung pinaka-instagrammable sa buong mundo ang Nepal, Chicago sa USA, Bali sa Indonesia, Sri Lanka, at Sydney sa Australia.

Nabuo ang nasabing listahan sa pamamagitan ng pagbilang ng hashtags sa Instagram at TikTok.