Isinusulong niSenate Majority Leader Joel Villanueva na gawing libre ang ibinibigay na pagsusulit sa Professional Regulations Commission (PRC) at Civil Service Commission (CSC) para hikayatin ang mga hindi kayang magbayad na kumuha ng professional licensure examanations.

Ang Senate Bill No. 1323 o ang "Free Professional Examinations Act" na inihain ni Villanueva noong Setyembre 2022, ay makababawas sa pinansiyal na pasanin sa mga nagtapos na kailangang sumailalim sa mga professional licensure exams.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang isang kuwalipikadong indigent ay hindi sapat ang kita upang mapunan ang pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ibinahagi pa ng senador ang naging sitwasyon niDexter Valenton, ang unang Aeta na nakapasa sa Criminology Board Exam, kahit mahirap ang kanyang pamilya.

Aabot sa₱400 hanggang₱1,300 ang examination fee sa PRC habang aabot naman sa₱500.00 ang babayaran kung kukuha ng Career Service examination para sa professional at sub-professional levels ng CSC.