Camp Saturnino Dumlao, Bayombong, Nueva Vizcaya - Patay ang isang 54-anyos na lalaki at asawa na bumibili lamang sa isang kantina matapos bumaliktad sa kanila ang isang 18-wheeler truck na may kargang saku-sakong fertilizer sa Aritao, Nueva Vizcaya nitong Martes.

Dead on the spot sina Frederick del Mundo, 54 at Gina del Mundo, 55, kapwa taga-Bone South, Aritao dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Nasugatan naman sa aksidente ang bystander na si Reginald Macaslam, 38, ng Bone South, at driver ng truck na 

Itinakbo ng rescuers sa pagamutan sina Macaslam at ang driver ng truck na si Jojo Odones, 47.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa paunang ulat ng Aritao Municipal Police Station, patungong norte ang truck nang mag-overshoot sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Sitio 2, Bone South, at dumiretso sa isang kantina hanggang sa bumaglitad.

Nadaganan ng saku-sakong abono ang mag-asawa na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Nawasak din ang isang pick-up truck at isang motorsiklo matapos araruhin ng truck.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Macaslam at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide, Serious Physical Injuries and Damage to Property.