Tinukso ni Senador Grace Poe ang kaniyang "seatmate" na si Senador Chiz Escudero dahil aniya ngayon na lamang daw niya nakita itong ngumiti. 

"Mr. President [Senate President Migz Zubiri], together with each and every member of this body, I would like to warmly welcome our colleague and my seatmate Senator Chiz," saad ni Poe sa regular session sa Senado nitong Miyerkules, Pebrero 1.

"First time in a long time we've seen that smile on his face with the wonderful aura and I think if there's anything we can learn from this 'love is worth fighting for'," dagdag pa niya.

Umagree naman si Zubiri maging sina Senador Joel Villanueva at Senador Loren Legarda. 

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Matatandaang ilang buwan din naging laman ng showbiz tsikas sina Heart Evangelista at Chiz Escudero noong nakaraang taon dahil sa espekulasyong hiwalay na ang mag-asawa. 

Sa pagsisimula ng 2023, ibinahagi ni Heart ang kaniyang IG post kung saan makikitang magkasama sila ni Chiz na nagdiwang at sumalubong sa Bagong Taon, kasama ang mga anak ng senador na sina Quino at Chelsea.

“Happy 2023,” simpleng caption ni Heart.

Sa isa sa mga litratong kalakip nito, makikita ang pagkakahawak nila ng mga kamay ng mister.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/01/01/heart-evangelista-at-mister-na-si-sen-chiz-escudero-muling-nagkasama-ngayong-bagong-taon/

Noong Disyembre 27, nag-post si Heart na uuwi siya ng Pilipinas upang makasama ang asawa.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/12/27/heart-evangelista-tinuldukan-na-ang-isyung-hiwalay-na-sila-ni-chiz-escudero/