Patay na ang tinaguriang "Plastic Man" ng Philippine Basketball Association (PBA) na si dating Ginebra player Terry Saldaña nitong Miyerkules dahil sa sakit sa kidneysa edad na 64.
Ito ang kinumpirmani PBA Commissioner Willie Marcial matapos makausap si Ed Cordero na dating teammate niSaldaña sa Toyota.
Matatandaang nanawagan ng tulong-pinansyal siSaldañanoong 2021 dahil sa lumalalang sakit nito.
Dating naglaro sa Ginebra siSaldaña, kasama si playing coach Robert Jaworski, simula 1983 hanggang 1987 at 1997 hanggang 1998.
Nagsimula ang siyang maglaro sa PBA nang kunin siya ng Toyota noong 1982. Hihirangin na sana siyang Rookie of the Year, gayunman, nasangkot ito sa labu-labo laban sa South Korean national team.
Bukod dito, naglaro na rin siya sa Swift noong 1993 at Batang Red Bull noong 2000.Tinagurian siyang 'Plastic Man' dahil sa mga paikot na tira nito.
Noong 2018, naging assistant coach ito ng Wang's Basketball sa PBA D-League.