Nakasamsam na naman ng milyun-milyong pisong halaga ng puslit na sibuyas ang gobyerno sa ikinasang operasyon sa karagatang bahagi ng Zamboanga City kamakailan.

Sa Facebook post ng BOC-Port of Zamboanga, nabisto ang nasabing kargamentong nagkakahalaga ng ₱18.6 milyon habang sakay ng MV Princess Nurdisza sa Barangay Ayala, Zamboanga City nitong Enero 25.

Sa tulong ng Water Patrol Group ng BOC, nasamsam ang 5,611 sako ng pulang imported na sibuyas at 2,249 sako ng puting sibuyas habang ibinibiyahe patungong Brgy. Baliwasan, Zamboanga City.

Nanggaling umano ang mga imported na sibuyas sa Taganak, Tawi-Tawi.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaagad na sinamsam ang kargamento matapos mabigo ang mga tripulante ng barko na magharap ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance mula sa Department of Agriculture (DA)-Bureau of Plant Industry.

Nitong Enero 22, halos ₱10 milyong halaga ng smuggled na sibuyas ang nakumpiska ng BOC sa karagatang sakop ng Brgy. Cawit, Zamboanga City