Nagbigay ng reaksiyon at talent manager-showbiz columnist na si Lolit Solis tungkol sa bali-balitang sumasailalim sa annulment o pormal na paghihiwalay ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Napaulat na rin ng Balita Online ang tungkol sa paglilinaw rito ni Annabelle Rama, na kilalang malapit sa pamilya Pacquiao, gayundin ang reaksiyon dito ng mismong si Jinkee na nagbitiw na lamang ng bible verse para sa mga naninira at gumagawa aniya ng fake news.

Sey naman ni manay Lolit, maraming may inggit kay Jinkee dahil namamayagpag talaga ang kabuhayan nila ngayon.

"Naku Salve ginugulo ako ni Bernard Cloma dahil kay Jinkee Pacquiao. Alam mo naman kung gaano ka love ni Bernard si Jinkee. Kasi daw ang dami ng bashers ni Jinkee na kung ano-ano ang ikinakalat na tsismis tungkol sa mga ginagawa ni Jinkee. Talagang pag nasa itaas ka inggit ang marami sa iyo, tulad nila Salve at Gorgy na ang dami ng inggit sa tinatamasa nilang tagumpay."

Jinkee, may sagot tungkol sa annulment rumors sa kanila ni Manny

"Imagine mo, pa-Japan at pa-Europe lang naman. Kaya naman huwag ka ng maloka Bernard, talagang hindi nila tigilan Jinkee dahil sa lakas ng inggit nila. At habang inggit sila lalo pang gaganda at bongga si Jinkee. With Manny Pacquiao around, bongga di bah," ani Lolit.