Isang selfie ng first-time mom na si Jessy Mendiola ang iflinex ng aktres ngayong Martes, Enero 31.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“When the baby’s asleep…. Awra muna si mommy, 😅” mababasa sa caption ni Jessy.

Ito’y dalawang araw matapos i-reveal na ng aktres at mister na si Luis Manzano ang kanilang cute na cute na si Baby Peanut sa publiko.

Basahin: ‘Face reveal!’ Baby Peanut, ipinakita na sa publiko nina Luis, Jessy – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilang netizens at kapwa celebrities naman ang nakapansin agad sa glowing na awra ni Jessy, isang buwan ng kaniyang motherhood.

“Looking fresh!!” komento ni Andi Manzano sa larawan ng aktres,

“Sana all glow up pa rin iba talaga pag meron ka katuwang sa pag aalaga ng baby at nag aalaga sa mga kinakain mo. How I wish, 😊” sey ng isang follower.

“New mama glow. Congrats!”

“Move over momma Peanut is the Star from now on😂✌️”

“Gwapa ang mommy!”

“Mas mukha pa kong bagong panganak kesa sayo Jessy gurl! 😍❤️ Ethereal beauty ka talaga! 🔥🔥🔥”

“Sana all ganyan ka fresh kahit mommy na! 😍”

Tila na-eenjoy nga ng aktres ang pagiging mommy na siyang resulta naman ng masayang awra nito.

Agad na pinusuan ng nasa mahigit 43,000 ang naturang larawan ni Jessy sa pag-uulat.

Congrats, Jessy!