Tawang-tawa ang maraming netizens sa isang viral post matapos ilarawang “pangmatatanda” na ang linya ng performers sa isang music festival tampok ang ilang OPM bands kabilang na ang lead vocalist ng Eraserheads na si Ely Buendia.

Sa isang public group sa Facebook nitong Linggo, Enero 29, isang miyembro ang nagbahagi ng nakakaaliw na kuwento.

“Kwento ng asawa ko kahapon narinig daw nya sa jeep. Sabi raw nung mga kasabayan n’yang estudyante, Day 1 daw sila pupunta ng Clark Aurora Music Fest kasi pangmatatanda daw yung Day 2. 💀😭*cries in millennial*,” mababasa sa caption ng ngayo’y viral post.

Tintukoy nito ang lineup sa ikalawang araw ng nabanggit na music fest sa Abril 15-16, 2023, tampok ang OPM bands at OG legends kabilang na si Ely Buendia, ang bandang Parokya ni Edgar, Kamikazee, Spongecola, Silent Sanctuary at Mayonnaise.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Para sa Day 1 naman, kabilang sa mga linya ng performers ang millennial bands at artists na Ben&Ben, December Avenue, ang mga rising Pinoy artists na sina Arthur Nery, Adie, MRLD at ang grupong Lola Amour.

Facebook

Instant viral na ngayo’y mayroong 28,000 reactions ang naturang post na parehong ikinaaliw at good vibes ang hatid sa marami.

“Grabe naman sa pang matatanda! Haha classic lang! Haha pero wala ako kilala sa Day1 🤔😂 shunda na ba ko? Hahaha Sino ba kumanta nung Sana sinabi mo? Haha,” nakakaaliw na komento ng isa pang miyembro ng grupo.

“Tanggapin na lang talaga natin,” segunda ng isa pang fan ng Day 2 lineup.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang ticket sales sa inaabangang music fest sa Pampanga.